That's what she said

Sunday, February 27, 2005
2:24 PM

friends,

please pray for my 9 year old sister, Bea.

she underwent surgery to remove her appendix yesterday. while she was opened up, it was discovered that she also has Meckel's Diverticulum, a relatively rare (only 2% have it) abnormal growth in the small intestines. This growth can be left alone, however, complications may come up later on in her life.

because of her young age, she has been traumatized by the appendectomy. Please pray that she does not need to undergo another surgery for the Meckel's Diverticulum and that she recovers fast from the appendectomy.

thank you.

+++++++++++++++++++++++++++++

Thursday, February 24, 2005
1:00 PM

just checking

+++++++++++++++++++++++++++++

Wednesday, February 16, 2005
8:41 PM

eveyone seems to be posting about valentines. so, in the spirit of nothing, i wont.

wala lang. malapit na yung press con namin, and i'm so excited!!! sana maging okay. sana worth it ang pagkabutas ng bulsa ko!!! :)

+++++++++++++++++++++++++++++

Tuesday, February 08, 2005
7:49 AM

kainis. pinost ko na to kahapon ah! nagloloko nanaman ang blogger.

heniwei, ito po ang prequel ng "'Nine Months na Akong may Crush Sa'yo, Sorry'":

wait, nawawala siya!!

oh no. yung only copy ko sa peyups, nawawala?!

haay... nahanap ko rin. ok. again, again, again.

eto na po:

Kinuha ko. Baka kasi burara lang talaga yung may ari. Isinuksok ko yung kulay maroon na panyo sa plastic bag ko ng PE props, at dalian ko rin shang nalimutan. Ang dami ko kasing dala nu’n e.

Mga dalawang araw ko ring hindi pinansin yung panyo. Pero, nung isang gabing dapat matutulog na ako pero iniisip pa rin kita, bumulaga siya sa isip ko. Lagi ka nga palang may panyo, baka sa iyo yun. Dali- dali kong kinalkal yung plastig bag ko ng PE props. Ayan nakuha ko na. Kulay maroon na may puting border. Hatinggabi na ata nu’n, pero nilaban ko ora mismo.

Hindi ko ginamit yung bareta. Hindi ko rin ginamit yung powder para sa washing machine. Ang ginamit ko, bath soap na mild. Baka kasi allergic ka sa mga matatapang na kemikal ng ordinaryong sabon. Hehe. Hindi ko pa nga siguradong iyo yun. Pero kahit na. Masaya pa rin ako dahil may pag uusapan nanaman tayo. Magpapasalamat ka sakin dahil binalik ko yung mamahalin mong panyo, tapos ngingitian mo ko.

* * *
Sabi ng kaklase kong kaklase mo rin, hindi raw tayo bagay. Siguro, inaasar lang niya ako dahil alam niyang crush kita. Sana nga. Pero ayun, hindi raw tayo bagay dahil mashado daw tayong pareho. Mirror- image daw. Parehong mahilig sa maingay na kanta, parehong mahilig mag drawing, parehong madaling araw na kung matulog. Hindi raw OK ang dalawang taong ganun. Pangit. Opposites attract, diba?

Naalala ko tuloy nung bago pa lang yung Weakest Link sa TV. Tuwing palabas yun, pinapanood natin tapos pinagti- tripan natin yung mga contestants na nauutal- utal. Iti- text ko yung pang- asar kong comment, tapos dadaigin mo. Ang galing mong manlait! Ang dami kong natutunan sa’yo!

Tapos, tapos na ang Weakest Link pero magkatext pa rin tayo. Kinukwentohan mo ko tungkol sa mga nabasa mong libro, tapos ako, kukwentohan kita tungkol sa mga pelikulang napanood ko. Astig. May isang gabi nga e, inumaga tayo. Pinasok ka na ng ermat mo sa kuwarto’t pinagalitan. Wala lang. Care Bears at He- Man lang naman ang pinag- “uusapan” natin. Minsan naman, pag bad mood ka, kukwentuhan mo ko tungkol sa heaven and hell at sa ultimate good and evil. Ang bigat pero oks lang. Ikaw naman yun, e.

Pero dati yun. Luma na Weakest Link ngayon e, si Allan K na nga ang host. Hindi ka na nagrereply sa mga text ko dahil, ewan. Siguro nagtitipid ka.
May isang beses nga, hindi mo ako pinansin ng mga isang linggo. E di muntikan na akong masiraan ng ulo. Inemail kita. Wala pa rin. Tatlo pang araw ang inintay ko (ang lupit mo, magkaklase tayo pero isa’t kalahating linggo mo kong hindi pinansin!). Sa wakas! Nagreply ka!
Wow, abot tenga ang ngiti ko, ang haba kasi ng reply mo! Kuwento ka ng kuwento tungkol sa kung anu ano, yung teacher mong ayaw kang bigyan ng grade, yung maid niyong mahilig mang himasok sa buhay mo at yung mga taong nakakasira ng “diskarte” mo.

Sana hindi ako yun.

Masaya. Magka email na tayo. Wala namang pinagkaiba sa text dahil hindi pa rin kita makita’t marinig at madalang ka ring magreply. Pero, oks lang uli. It’s another way to your heart naman.

* * *
Inemail mo ako nung isang araw. Sabi mo kanta. Sabi mo death metal. Sabi mo mag eenjoy ako.
Hindi ko pinakinggan agad- agad. Ilang buwan na rin kasi tayong hindi nag tetext, sa mga buwan na yun sinubukan kong kalimutan ka. Sabi kasi nung mgakaibigan ko, puro gulo’t sakit ng ulo lang daw ang dala mo. Oo nga naman. Mahigit kumulang isang taon kong pinagnilay- nilayan ang mga posibilidad sa’ting dalawa. Isang lalaki, isang babae, secret friends sila.
Magkasundo naman tayo diba? Sa email. Bagay naman tayo diba? Sa text.

Siyempre, hindi ko rin natiis. Nasa internet café nga ako nung pinakinggan ko yung kanta. Inintay ko yung sigaw na pambungad, o di kaya’y yung kalabog ng drums. Wala. Biglang may lumabas na graphics. Angel, tapos pusong tumitibok- tibok.

“You’re my honeybunch, my sweet cake…You’re my sweety pie… the apple of my eye.”

Paulit- ulit lang. Paulit- ulit lang. Paulit- ulit.

Walang sumigaw ng “oi- oi- oi”. Wala ding “pow- hu- hu- pow”.

* * *
Umiyak ako sa MRT. Konti lang naman. Bigla kasi akong naguluhan e, nagulat. Posible ba? Gayong, mahigit kuulang isang taon kong sinabihan ang sarili ko na huwag akong umasa. Baka naman gawa gawa lang ‘to ng isip kong sabik sa’yo? Hmmm… pwede. So nagdrama ako ng konti pa.

Tinext kita nung gabing ‘yon. Napakinggan ko na yung kanta. Astig. Paki explain (pa simple pa ako).

Himala, nag reply ka. “Harkhark. Tuwang- tuwa talaga ako jan. Hebi metal daw ano? Hahaha.
Ano ieexplain?”

Saka ko natutunan na lahat ng ginagawa mo ay dapat kong intindihin ng face value lang.
Harkhark. Ano nga naman ba ang kelangan mong iexplain? Joke diba? Mag- eenjoy ako! Ang labo ko nga naman.

Buti na lang nagpasimple ako. Madaling lusutan. “Ah. Kasi hindi ko na tinapos. Akala ko may hebi metal talaga sa dulo.”

Gago.

Nagdrama pa’ko ng konti pagtapos no’n. Sabi ko na nga ba e, imposible. Bakit pa kasi ako umasa- asa at the last minute? Ilang bese mo na ba ginawa yan dati? Ilang beses ka na bang nagtext ng pasaring at nag email ng tula? Marami. Ano naman ang kinaiba ng baby_song na ipinadala mo? Wala.

Siyempre akala ko naka jackpot ako sa’yo. Akala ko tama lang na inintay kita, na eto na yung senyales na “like” mo rin ako. Kawawawang bata, akala mababaw lang yung tubig, 12 ft. pala. Tumalon, tigok, tanga. Hindi pala marunong lumangoy.

Sabi nga ng ate ko, hayaan na raw kita. Suwerte pa raw ako dahil at least ako babae, mas madaling umiyak at maglabas ng sama ng loob. E ikaw, lalaki, diyahe. Marami raw kayong repressed material sa katawan.

O sige, hahayaan na kita, ako rin naman ang dapat sisihin. Pero gago ka talaga! Medyo masakit yung joke mo ha, hindi nakaaktawa! Pinaglaba pa naman kita ng panyo, ginawan ng reviewer sa history exam natin at pinagtanggol sa lahat ng nagsasabing mukha kang serial killer. Pag nakahanap ka ng katapat mo, iiyak ka rin! Mauubusan ka rin ng panyo.

+++++++++++++++++++++++++++++

Monday, February 07, 2005
7:13 AM

wala akong masabi tungkol *dun*. susubukan ko lang muna mag exist ng wala siya sa equation. we're this close to two years, why didn't i just wait?

kasi pag dating sa mag tanong na ganun, kailangan talaga tumigil at mag isip. (translation: stop and think)

ewan ko ba. napapansin ko na pag nagsusulat ako detached na. gaya nung sinubmit ko kay jepi para sa tinta ng ujp. okay sa kunjg okay, pero walang personal relevance. sinulat ko lang para gumawa ng statement. (you don't need to establish a character's gender to establish flow)

i-post ko dito yung isang artik nung pre- a days. yung kwentong panyo. prequel to nang "nine months na akong may crush sa'yo, sorry." may nagcomment pa nga sa peyups na parang bading daw ang nagsulat. bading nga!!!

***

Kinuha ko. Baka kasi burara lang talaga yung may ari. Isinuksok ko yung kulay maroon na panyo sa plastic bag ko ng PE props, at dalian ko rin shang nalimutan. Ang dami ko kasing dala nu’n e.

Mga dalawang araw ko ring hindi pinansin yung panyo. Pero, nung isang gabing dapat matutulog na ako pero iniisip pa rin kita, bumulaga siya sa isip ko. Lagi ka nga palang may panyo, baka sa iyo yun. Dali- dali kong kinalkal yung plastig bag ko ng PE props. Ayan nakuha ko na. Kulay maroon na may puting border. Hatinggabi na ata nu’n, pero nilaban ko ora mismo.

Hindi ko ginamit yung bareta. Hindi ko rin ginamit yung powder para sa washing machine. Ang ginamit ko, bath soap na mild. Baka kasi allergic ka sa mga matatapang na kemikal ng ordinaryong sabon. Hehe. Hindi ko pa nga siguradong iyo yun. Pero kahit na. Masaya pa rin ako dahil may pag uusapan nanaman tayo. Magpapasalamat ka sakin dahil binalik ko yung mamahalin mong panyo, tapos ngingitian mo ko.

* * *
Sabi ng kaklase kong kaklase mo rin, hindi raw tayo bagay. Siguro, inaasar lang niya ako dahil alam niyang crush kita. Sana nga. Pero ayun, hindi raw tayo bagay dahil mashado daw tayong pareho. Mirror- image daw. Parehong mahilig sa maingay na kanta, parehong mahilig mag drawing, parehong madaling araw na kung matulog. Hindi raw OK ang dalawang taong ganun. Pangit. Opposites attract, diba?

Naalala ko tuloy nung bago pa lang yung Weakest Link sa TV. Tuwing palabas yun, pinapanood natin tapos pinagti- tripan natin yung mga contestants na nauutal- utal. Iti- text ko yung pang- asar kong comment, tapos dadaigin mo. Ang galing mong manlait! Ang dami kong natutunan sa’yo!

Tapos, tapos na ang Weakest Link pero magkatext pa rin tayo. Kinukwentohan mo ko tungkol sa mga nabasa mong libro, tapos ako, kukwentohan kita tungkol sa mga pelikulang napanood ko. Astig. May isang gabi nga e, inumaga tayo. Pinasok ka na ng ermat mo sa kuwarto’t pinagalitan. Wala lang. Care Bears at He- Man lang naman ang pinag- “uusapan” natin. Minsan naman, pag bad mood ka, kukwentuhan mo ko tungkol sa heaven and hell at sa ultimate good and evil. Ang bigat pero oks lang. Ikaw naman yun, e.

Pero dati yun. Luma na Weakest Link ngayon e, si Allan K na nga ang host. Hindi ka na nagrereply sa mga text ko dahil, ewan. Siguro nagtitipid ka.

May isang beses nga, hindi mo ako pinansin ng mga isang linggo. E di muntikan na akong masiraan ng ulo. Inemail kita. Wala pa rin. Tatlo pang araw ang inintay ko (ang lupit mo, magkaklase tayo pero isa’t kalahating linggo mo kong hindi pinansin!). Sa wakas! Nagreply ka!

Wow, abot tenga ang ngiti ko, ang haba kasi ng reply mo! Kuwento ka ng kuwento tungkol sa kung anu ano, yung teacher mong ayaw kang bigyan ng grade, yung maid niyong mahilig mang himasok sa buhay mo at yung mga taong nakakasira ng “diskarte” mo.
Sana hindi ako yun.

Masaya. Magka email na tayo. Wala namang pinagkaiba sa text dahil hindi pa rin kita makita’t marinig at madalang ka ring magreply. Pero, oks lang uli. It’s another way to your heart naman.

* * *
Inemail mo ako nung isang araw. Sabi mo kanta. Sabi mo death metal. Sabi mo mag eenjoy ako.
Hindi ko pinakinggan agad- agad. Ilang buwan na rin kasi tayong hindi nag tetext, sa mga buwan na yun sinubukan kong kalimutan ka. Sabi kasi nung mgakaibigan ko, puro gulo’t sakit ng ulo lang daw ang dala mo. Oo nga naman. Mahigit kumulang isang taon kong pinagnilay- nilayan ang mga posibilidad sa’ting dalawa. Isang lalaki, isang babae, secret friends sila.

Magkasundo naman tayo diba? Sa email. Bagay naman tayo diba? Sa text.

Siyempre, hindi ko rin natiis. Nasa internet café nga ako nung pinakinggan ko yung kanta. Inintay ko yung sigaw na pambungad, o di kaya’y yung kalabog ng drums. Wala. Biglang may lumabas na graphics. Angel, tapos pusong tumitibok- tibok.

“You’re my honeybunch, my sweet cake…You’re my sweety pie… the apple of my eye.”

Paulit- ulit lang. Paulit- ulit lang. Paulit- ulit.

Walang sumigaw ng “oi- oi- oi”. Wala ding “pow- hu- hu- pow”.

* * *

Umiyak ako sa MRT. Konti lang naman. Bigla kasi akong naguluhan e, nagulat. Posible ba? Gayong, mahigit kuulang isang taon kong sinabihan ang sarili ko na huwag akong umasa.
Baka naman gawa gawa lang ‘to ng isip kong sabik sa’yo? Hmmm… pwede. So nagdrama ako ng konti pa.

Tinext kita nung gabing ‘yon. Napakinggan ko na yung kanta. Astig. Paki explain (pa simple pa ako).

Himala, nag reply ka. “Harkhark. Tuwang- tuwa talaga ako jan. Hebi metal daw ano? Hahaha.
Ano ieexplain?”

Saka ko natutunan na lahat ng ginagawa mo ay dapat kong intindihin ng face value lang. Harkhark. Ano nga naman ba ang kelangan mong iexplain? Joke diba? Mag- eenjoy ako! Ang labo ko nga naman.

Buti na lang nagpasimple ako. Madaling lusutan. “Ah. Kasi hindi ko na tinapos. Akala ko may hebi metal talaga sa dulo.”

Gago.

Nagdrama pa’ko ng konti pagtapos no’n. Sabi ko na nga ba e, imposible. Bakit pa kasi ako umasa- asa at the last minute? Ilang bese mo na ba ginawa yan dati? Ilang beses ka na bang nagtext ng pasaring at nag email ng tula? Marami. Ano naman ang kinaiba ng baby_song na ipinadala mo? Wala.

Siyempre akala ko naka jackpot ako sa’yo. Akala ko tama lang na inintay kita, na eto na yung senyales na “like” mo rin ako. Kawawawang bata, akala mababaw lang yung tubig, 12 ft. pala. Tumalon, tigok, tanga. Hindi pala marunong lumangoy.

Sabi nga ng ate ko, hayaan na raw kita. Suwerte pa raw ako dahil at least ako babae, mas madaling umiyak at maglabas ng sama ng loob. E ikaw, lalaki, diyahe. Marami raw kayong repressed material sa katawan.

O sige, hahayaan na kita, ako rin naman ang dapat sisihin. Pero gago ka talaga! Medyo masakit yung joke mo ha, hindi nakaaktawa! Pinaglaba pa naman kita ng panyo, ginawan ng reviewer sa history exam natin at pinagtanggol sa lahat ng nagsasabing mukha kang serial killer. Pag nakahanap ka ng katapat mo, iiyak ka rin! Mauubusan ka rin ng panyo.

+++++++++++++++++++++++++++++

What about me?

business reporter who hates math. ate to two biological siblings and numerous adopted ones. in love with ice cream and ampalaya (NOT taken together). soul at rest. badly in need of a trip to the beach.


Links

akelle kara gab heather echu

kate julie jobert cleng cy paul jaycee amy klara maya stox emman jam jerry tetel lagsh ate maddy kuya aj she glenn tonie kuya bryant sir arao sir lvt sir john

livejournal google yahoomail upmail OPAC blogger up diliman up manila faster than satan peyups inquirer mypayroll friendster meebo

youthministry the source


talk here




The Past (hala...)

07/01/2003 - 08/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006


Link me

link button here


Credits

Lay-out by: Nix7
Skins from: Blogskins
Powered by: Blogger