That's what she said
Monday, March 27, 2006
10:58 PM
Musta naman Pat?
I feel tired, but i'm sure it's because of the hormones. I'm getting my period any day this week.
Pero ano ba? Kumusta na nga ba ako? Maraming sumasagi sa isip ko ... marami din akong inaalala. Namimiss ko si manong, aaminin ko na. Matagal na rin kami hindi nag-uusap, at mas matagal na kaming hindi nagkikita. Hinahanap-hanap ko yung pagpapatatag niya sakin. Sandigan ko kasi siya e. Pag nanghihina ako, pag tapos tumugon sa Diyos, sa kanya ako tatakbo. Nakasanayan ko na yun e.
Parang parusa. Talagang be careful what you wish for pati na rin what you pray for. Kasi baka nga naman ibigay sayo at di mo kayanin. Pinagdasal ko noon na hayaan kaming maging matalik na magkaibigan. Binigay ni Lord yung hiling ko. Kaya mas mahirap para sakin kesa sa iba ang paglisan niya.
Namimiss ko siyang katrabaho. Hindi ko siya talaga naka trabaho kasama ang mga youth, nakasama ko siya noong choir pa ako--siya yung sound tech ko. Siya yung nagpapatibay ng loob ko tuwing pinanghihinaan ako ng loob sa pagkanta ko. Siya ang unang tao na nakapagparamdam sakin na ang pagkanta ko pwede kong gamitin para sa Diyos, na binigay talaga sakin ng Diyos to para gamitin para sa Kanya. Pinag-usapan namin to ni manong sa telepono--isang gabing naging umaga--pagtapos namin pag-usapan ang hindi niya pagpasa sa board exams.
Namimiss ko siya ngayon dahil yung mga batang lalaki, sa akin tumatakbo pag may problema sila. Wala kasi silang malapitang kuya. Wala na kasi siya e. Siyempre sinusubukan ko sila tulungan ... pero hanggang saan lang ang kaya ko? Iba ang maibibigay ng isang kuya sa mga batang lalaki. Kaya lang wala na siya.
Lahat ng tao sinasabi babalik daw siya. Ako, na sinasabihan niya kung gaano siya kasaya doon, ako lang ang hindi nagbibitaw ng ganung mga sentimiento. Mashado lang ba niya ako na brainwash? Mashado lang ba akong masaya para sa kanya?
Isa ba 'tong pagpapatunay sa kahinaan ng pananalig ko sa Diyos?
Ilang tao na ang nagsasabi sa akin na wag akong malungkot. Pinagdasal na raw nila sa Diyos na siya'y bumalik. Sumali na ba ako dapat? Tutal, namimiss ko na siya ... hindi lang dahil mahal ko siya, kundi dahil kinakailangan namin siya ... kailangan ko siya. Hilingin ko na ba sa Diyos ang pagbalik niya? O mag-ingat ba ako uli sa mga ipagdadasal ko?
+++++++++++++++++++++++++++++
Friday, March 24, 2006
7:23 PM
Pepper na nga pala ang pangalan nung aso namin.
I'm beginning to doubt my writing skills. Teka, when was i ever confident of them in the first place? I don't think i can write well enough for a national daily. pwe. it's a good thing i'm not hell-bent on becoming a reporter--that this is no lifelong dream of mine--or i'd surely be crushed.
dunno why. i've been feeling less and less drive the past few days. i don't understand myself. i used to say that i work better when hungry, meaning i excel when i'm loveless, underpaid and overworked. that's exactly what i am! single, on a tight budget and living on overtime! but, the articles im producing arent exactly stellar.
haay. ewan ko ba. i miss college, when i was good at almost everything i tried my hand at without even breaking a sweat. now, i've got so many hangups--about myself, what i do, and who i want to be.
sometimes, i hate thinking.
+++++++++++++++++++++++++++++
Thursday, March 16, 2006
9:27 PM
i have a new baby. adorable.
her name is ... Marble!
we've got a doggie in the apartment! she's so cute, only two months young... she has a black and white coat so we were supposed to call her "Panda." then alex (my housemate) and i thought of calling her "Mallow." We eventually settled with Marble. Pero pag galit kami, "Holen" ang itatawag namin sa kanya!
Marble's so cute ... she's got me gushing! may baby na rin ako sa wakas! She has a foot fetish. She likes to cuddle up to feet and sleep there. i hope we don't kill her. i hope she grows up happy with us. i hope she doesn't bring us fleas and ticks!
i love our new doggie!
+++++++++++++++++++++++++++++