That's what she said

Wednesday, May 10, 2006
12:36 PM

grabe! ang sarao kasama nung mga bata! kakababa lang namin from iba... lahat kami paos. 3 days of bonding, games, singing, eating! haha! non-stop fellowship ito! :D

ibang klase ang rewards ng pagiging youth worker. :D hindi talaga ako tatanda... kahit lahat ng tao ang tawag sayo "ate."

next up: sports fellowship at youth jam 2!

+++++++++++++++++++++++++++++


12:36 PM

grabe! ang sarao kasama nung mga bata! kakababa lang namin from iba... lahat kami paos. 3 days of bonding, games, singing, eating! haha! non-stop fellowship ito! :D

ibang klase ang rewards ng pagiging youth worker. :D hindi talaga ako tatanda... kahit lahat ng tao ang tawag sayo "ate."

next up: sports fellowship at youth jam 2!

+++++++++++++++++++++++++++++

Friday, May 05, 2006
11:54 PM

today is my sister's 11th birthday. :)

***

kaninang bago mag tanghali, nasunugan ang ilan sa mga batang "inaalagaan" ko sa simbahan. magkakamag anak sila at nakatira sa isang compound mga sampung kilometro mula sa bahay namin. dikit dikit ang mga bahay nila kaya mabilis kumalat ang apoy. makitid ang mga eskinita sa lugar nila kaya nahirapan pumasok ang mga bumbero. walang natira sa mga kagamitan nila.

nang narinig ko ang balita, dali dali akong dumalaw kasama ang pastor namin. nakita ko ang mga kaibigan ko, yung isa, nangingitim ang damit at walang tsinelas. yung isa naman, mugto ang mata kasama ang mga pinsan niya. ang natira na lang sa kanila ay ang mga damit na suot nila. wala na raw iba.

masaya na kami na walang namatay sa sunog. ang totoo niyan, meron ... si enzo, ang aso ng kaibigan kong si olan. nakuha pa naming magtawanan kasi si enzo ay dapat na ia- arranged marriage namin sa aso kong si pepper. kaya lang, hindi ata sila "made for each other."

nagtext at tumawag ako sa iba pa naming mga kasama sa simbahan. sinabi ko ang mga kinakailangan ng mga nasunugan: damit, sapatos at pagkain. dali-dali din silang nag commit na magdadala ng kung anuman ang kaya nilang ibigay. kasalukuyang nag-iipon ng mga "relief goods" ang mga kasamahan ko sa simbahan mismo.

nakakapanlumo. lalo na nung nakita ko yung mga bahay nilang abo na lang ang natira. hindi maiiwasang itanong sa sarili kung bakit pinayagan ng Diyos ito mangyari. (permissive will)

buti na lang at mas kilala ko na Siya. buti na lang din at walang dinadalang galit ang mga bata sa Diyos ngayon. buti na lang matagal nang napaliwanag na di porque't anak ka ng Diyos ay hindi ka makakaranas ng hirap at pasakit. tignan mo nga ang nangyari kay Hesus.

buti na lang wala na kaming attachment sa mga bagay ng mundong ito. kundi ibang klaseng hinayang ang mararamdaman nila sa pagkawala ng mga bagay na minahal nila. buti na lang wala na silang pagmamahal sa mga bagay na mabibili ng pera, at maiiwan lang sa mundo kapag namatay ka na. kasi sigurado na sila sa patutunguhan nila pagtapos ng kamatayan.

pinagdadasal na lang namin ngayon ang pag akyat namin sa zambales sa lingo. sana makasama pa rin sila. para masiyahan man lang sila at para maging matingkad na larawan sila ng tunay na ligaya.

kanina ibang klase ang mga ngiti sa mukha ng mga "alaga" ko. Halata. Na nasa puso na nila si Kristo.

+++++++++++++++++++++++++++++

What about me?

business reporter who hates math. ate to two biological siblings and numerous adopted ones. in love with ice cream and ampalaya (NOT taken together). soul at rest. badly in need of a trip to the beach.


Links

akelle kara gab heather echu

kate julie jobert cleng cy paul jaycee amy klara maya stox emman jam jerry tetel lagsh ate maddy kuya aj she glenn tonie kuya bryant sir arao sir lvt sir john

livejournal google yahoomail upmail OPAC blogger up diliman up manila faster than satan peyups inquirer mypayroll friendster meebo

youthministry the source


talk here




The Past (hala...)

07/01/2003 - 08/01/2003 11/01/2003 - 12/01/2003 12/01/2003 - 01/01/2004 01/01/2004 - 02/01/2004 02/01/2004 - 03/01/2004 03/01/2004 - 04/01/2004 04/01/2004 - 05/01/2004 05/01/2004 - 06/01/2004 06/01/2004 - 07/01/2004 07/01/2004 - 08/01/2004 08/01/2004 - 09/01/2004 09/01/2004 - 10/01/2004 10/01/2004 - 11/01/2004 11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005 03/01/2005 - 04/01/2005 04/01/2005 - 05/01/2005 05/01/2005 - 06/01/2005 06/01/2005 - 07/01/2005 07/01/2005 - 08/01/2005 08/01/2005 - 09/01/2005 09/01/2005 - 10/01/2005 10/01/2005 - 11/01/2005 11/01/2005 - 12/01/2005 12/01/2005 - 01/01/2006 01/01/2006 - 02/01/2006 02/01/2006 - 03/01/2006 03/01/2006 - 04/01/2006 04/01/2006 - 05/01/2006 05/01/2006 - 06/01/2006 10/01/2006 - 11/01/2006


Link me

link button here


Credits

Lay-out by: Nix7
Skins from: Blogskins
Powered by: Blogger